|
Patawad,
Patawad, kasi pag pinapadalhan mo ako ng mensahe o text message di ako agad nagrereply. Dalawa lang yan e, yun e minsan gusto kita paghintayin o talagang tinatamad lang ako magreply. Patawad, kasi pag bumabanat ka at nagpapa-sweet na may halong biro, binabara kita. Kunwari lang yun, sa kaloob-looban ko sobrang kinikilig ako nun. Patawad, kung madalas ang dry dry ko kausap sa text. Patawad, kung minsan ma-pride ako. Patawad, kung madalas hinihintay pa kitang unang magparamdam. Patawad, kung minsan tinitiis kita. Patawad, kung di ako ganun nag-eeffort para makausap at makasama ka. Patawad, kung di ako pumayag lumabas kasama mo nung kaarawan mo. Patawad, kung minsan di ko pinapakita na nag-aalala/concern ako sayo. Patawad, kung di ko pinapakita sayo na gusto din kita. Patawad. Sana ‘wag maging dahilan ang mga ito para lumayo ka. Kailangan lang siguro ng konti pang panahon upang makilala pa kita. Wag kang aalis, pwede? |